Friday, February 26, 2010

Mga Lalaki, mag-nursing na!

Mga Lalaki, mag-nursing na!

Tunay na maraming mga lalaki ang kumukuha ng kursong nursing sa kasalukuyan. Isa na ako sa mga kumuha ng kursong nursing. Ito ay “challenge” sa palagay ng karamihan sapagkat hanggang sa ngayon, mas kinikilala ang kursong nursing na isang kurso para sa mga babae. Hindi ako sumasang-ayon sa ganitong palagay dahil bilang isang lalaki marami rin akong nagagawa na hindi nagagawa ng mga babae. Ako ay mas malakas kumpara sa mga babae at dahil dito mas makakatulong ako sa bagbuhat ng mabibigat na pasyente at makakatulong din ako sa bagbubuhat ng mga kagamitan gaya ng mga kama, higaan, “gas tank” at iba pang mga kagamitan sa ospital.

Nasa unang taon pa lamang ako at nag-aaral sa UST (Unibersidad ng Santo Tomas). Napapansin ko na mas dumadami ang kumukuha ngayon ng kursong nursing sa mga lalaki. Labing-dalawa ang mga lalaking na kumukuha ng nursing sa aking seksyon. Dati daw mga lima hanggang pito lamang ang mga lalaking kumukuha ng nursing sa isang seksyon. Sabi din ng aming mga guro, mas dadami pa ang mga kukuha nito sa mga susunod na taon.

Naisipan kong kumuha ng kursong nursing sapagkat ito ay gusto kong maging aking “Pre-Med course.” Ang pagiging isang ganap na Doktor ay gusto kong makamit. Sa aking palagay ang pagkuha ng kursong nursing ay makakatulong sa aking relasyon sa mga magiging pasyente ko.

Minsan, kami ay pumupunta sa iba’t ibang komunidad upang tumulong sa mga gawain at upang maging “exposed” sa ginagawa ng mga nurse. Sa pagtulong sa komunidad, mapagtanto ko na marami ang nangangaialangan ng mga lalaking nurses. Hindi lamang kasi mga babae ang marunong magmahal at magbigay kalinga sa mga tao. Kaming mga lalaki ay nagbibigay din ng kalinga at mapag-aruga din kami.


Mas dadami siguro ang mga lalaking kukuha ng kursong nursing mas lalo na sa darating pang taon dahil ang ating bansa pati narin ang iba’t-ibang bansa ay nangagailangan parin ng mga lalaking nurses. Marami rin naman kasing kakayahan ang mga lalaki sa pagtulong sa mga pasyente. Hindi lamang kalakasan angaming mabibigay sa aming magiging pasyente ngunit, kalinga at pag-aaruga din. Kami ay makikinig sa mga hinaing ng aming pasyente at makakatulong lalo na sa mga lalaking pasyente naming dahil bilang isang lalaki, mas naiintindihan namin sila.

Sa kalahatan, ako ay tunay na masaya sa aking kurso. Hindi ko ito ikinakahiya. Kailangang walang diskriminasyon ang umiral sa mga babae at lalaking nurses sapagkat lahat naman ng tao ay nilikha ng Diyos na pantay-pantay. Hinahamon ko ang iba pang mga lalaki na kumuha ng kursong nursing upang ipakita sa madla na kaya din mg mga lalaki ang gawaing dating pangbabae lamang. Mga lalaki, kailangan natin gamitin ang ating anking lakas at talino upang tumulong sa ating magiging pasyente, mahirap man o mayaman. Mga lalaki, mag-nursing na!

No comments:

Post a Comment